top of page

Oktubre 27, 2018: Pagkakaisa (Panalangin) | October 27, 2018: Union (Prayer)

  • ISM
  • Oct 27, 2018
  • 2 min read

Panginoon,

Unang-una sa lahat ay pagpapasalamat po sa Inyo dahil sa panibagong araw na dumarating. At sa araw nga po na ito ay ang malaking ganap sa buhay ng aming mahal na tagapagpayo—ang pag-iisang dibdib nila ng kaniyang mahal na guro rin. Salamat po dahil sa binigay Niyong ito

sa kaniya, sa kanila.

Itong panalangin ay para sa mga taong dadayo sa kaganapang iyon, upang sila ay magsaya at makaiwas sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari. Sana po ay tunay na kasiyahan at biyaya ang mayroon, na alam naman po ay karapat-dapat sa kanilang lahat, lalong-lalo na sa dalawang magsasama na sa ilalim ng Iyong pangalan.

Nagpapasalamat po na ganito po ang ibinigay Niyo kay madame. Hindi man po siya palaging nasa magandang ayos ngunit sana po ay mas mabuti naman simula ngayon. Umaamin po na dulot iyon ng sari-saring mga gawain, suliranin, at sakit na sa halip na kami ay makapagbawas ay naging isa kami sa nakapaghandog sa kaniya ng mga negatibong bagay katulad ng mga nabanggit. Dahil dito, paumanhin po, nararapat ang pagbabago sa amin na aming hinihiling gayunpaman dapat mas magising kami at sa sarili namin magmula ito. Pasensya na rin po sa hindi pagdalo bagkus nagaambag muli po sa pagtatapos ng aming pananaliksik. Kaya ito, mula sa puso ay nagdarasal.

Muling nagpapasalamat dahil mayroon si madame, siya ay mabuti, dumating siya sa amin, at sa marami pang mabubuting bagay na kasangkot siya. Hindi po inaasahan pero salamat rin dahil mayroong panibagong buhay na kaniyang dala-dala, kaawaan at bigyan po ang bata ng lakas. Higit sa lahat, pagpalain po sila madame, kasama na rin ang lahat.

Itong panalangin po ay aking ipinapadala para sa kaniya patungo sa Iyo sa ngalan ng Iyong anak na si Hesus, amen.

Dear Lord,

Firstly, it is to thank You for a new day. And by this day is a grand event upon our beloved adviser—the union with her loved one who also is a teacher. Thank You for conferring this to her, to them.

This prayer is for the event's guests, for them to be merry and away from unwanted occurrences. May true happiness and blessings be within, in which it is known that these are right for them all, especially to the two to be wedded in Your name.

Thanking You that this is what You gave madame. She may not be frequently in good terms yet let it be better from now on. Admittedly it had been due to varying tasks, concerns, and pain in which instead of having us as their reducers, we managed to contribute to the negative things like those mentioned. For this we apologize, we deserve changes that we beseech however we should be further awakened and let this begin from ourselves. Apologizing again in behalf of my inconvenience while I again am contributing to the finale of our research. Hence, I am praying from the heart.

Thankful that there is madame, she is good, she came to us, and for more delight involving her. It was not anticipated though thank You for the new life that she bears, bless and bestow upon the child strength. Most of all, bless them, together with everybody.

I send for her unto You this prayer in the name of Your son Jesus, amen.

 
 
 

Comentarios


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page