Tulang Panalangin (A Poetic Prayer)
- ISM
- Dec 25, 2019
- 1 min read
Kaawaan...
...sila na nangangailangan ng kamay at karamay
...sila na walang kamalay-malay sa gawa
...ang mga nananaliksik ukol sa kasagutan
...ang mga nawawala sa kanilang isipan
Sana...
...ang mga hiling ay matupad
...makamit ang inaasam-asam
...makabangon sa mga hinaharap
...maging maayos ang lahat
Dapat...
...kung nais ay kilusan
...kung ayaw mangyari ay iwasan
...turuan ang wala sa tuwid na daan
...ipasa ang karamdamang kabutihan
Kaya...
...ang paglagpas sa mga humaharang sa paglakbay
...ang pagtahak ng daan papunta sa pangarap
...ang pagpapabuti para sa lahat
...ang kung ano man ang nandiyan
Kaawaan, sana, dapat, kaya
Ang mga ito ay masusunod at magagawa
Siya na gumagabay ng walang sawa at kinakapitan ng masa
Naririyan at sinisiguradong walang nag-iisa
Maligaya at Mapagpalang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat.
Mercy...
...be upon those in great need
...be upon them clueless of what they go with
...be with the seekers of the keys
...be with the ones whose necks are stiff
Hoping...
...for a granted wish
...to claim a dream
...to rise from the hardships
...for every thing to be at ease
Shall...
...a desire have action
...avoidance against the unwanted be the goal
...the morally lost, with good, be taught
...the germs of the kind make their call
Able...
...is to surpass the daily obstacles
...are the aims to take hold
...is the cleansing of all
...is anything taken to the hall
Mercy, hoping, shall, able
These being granted and done are possible
He who endlessly guides and is believed by the nation
He exists and keeps His eyes on all to prevent sorrow
Merry, Blessed Christmas and a Happy New Year to everybody.
Comments