top of page

Ang Pinakamahirap na Tagahanga (The Poorest Fan)

  • ISM
  • Sep 17, 2020
  • 3 min read

Dahil sa aking panlabas na anyo, ayos, kilos at pananalita, inaakala nilang bulsa ko'y malalim

Ako? Mayaman? Isang libong piso ang aking barya? Bawal magsinungaling!

Mga kapwa, ako nga pala ang taong puro bigay ang gamit

Bilang ang koleksyong pang-iniidolo at mayaman lamang sa adhikain

Malakas kumilos at umabot ngunit kay layo sa mga kinakamit

Buong-buo ang damdamin at pagtangkilik subalit kulang sa pagsang-ayon at pansin

Ako ang kasalungat ng lahat ng bisitang tagahanga sa bidyo ni Madam Kring

Ako ang tagahangang hilaw sa loob at maaliwalas lamang sa inyong paningin

Tanungin niyo ako at manuri

Anu-ano ang mga koleksyong akin?

Kay rami ng kanilang plaka habang nasa selepono ko lamang ang mga awitin

Mga alahas at dekorasyon ang kanilang angkin habang mga simpleng pantaas, dalawang maskara at dalawang sumbrero naman ang akin

Ang silid nilang nagmumukhang museyo ng Koryanong Pop ay walang-wala sa silid kong nagsisilbing taguan at pangkaraniwang bahagi

Litratong opisyal ang kanilang nakuha at ang nahanap ko ay mga litratong malaki at maliit na sa daan nabili

Pang-ilaw ba 'ka niyo? Ang dali at dami kung makakuha sila samantalang sa haba ng panahon ay dalawa lang sa akin

Paano pa kaya ang mga kaganapang sa isang iglap nila nararating? Dalawang beses pa lamang at bawat pagtapak ko ay kinakailangang dumiin

Nagkikita sila sa isang hakbang; lalanguyin ko pa ang Karagatang Pasipiko upang sila ay makamit

Mabilis silang mahagilap sa pook-sapot at katauhan na pag-aari; tatadtarin ko pa sila ng komento upang mapansin

Ang gastos nila ay malupit, ang baon ko ay punit

Hindi na mabilang ang kanilang bigay; alangan namang ialay ko ang aking sarili?

Pagdating ng kisap-mata ay agad akong napaisip

Sa kung ano lamang ang mayroon, sa tingin niyo ay hindi ito sapat sa akin?

Walang problema at malaki ang aking pasasalamat, lahat ay aking tinatangkilik

Kaysa sa koleksyon, mas mahalaga ang paglitaw nila sa aking paningin

Ang ikahuli ay muli akong tatanungin

Para sa aking hinahangaan, ano ang ginawang pinakamatindi?

Mga proyekto at pagtitipong pantagahangang libo-libo ang halaga ay sa kanila nangyayari

Hindi ko man magamit ang aking pera, nagawa kong sumuporta, pumrotekta at manalangin para sa aking mga tinatangi

Ngayon, para sa mga iniidolo, ano ang nais sabihin?

Hindi ko maipangakong madadalo ang lahat ng inyong mga kaganapan sa aking gipit

Hindi ko mapantayan ang aking mga kapwang madalas ninyong makuhanan ng tingin

Ngunit nandito ako, tunay na sumusuporta at walang sawang tumatangkilik

Ako si ISM ng Pilipinas, bumabati ulit

Humahanga sa limampu't siyam simula pitong taong gulang bilang Blackjack, SONE, EXO-L at ARMY

Ako ay isa sa mga tagahangang hindi sapat ang salapi

Nagpapaalam at patuloy sa paghahanga, salamat sa pakikinig

Judging from my appearance, fashion, behavior and speech, I am found rich

Me? Rich? With nineteen dollars as my change? No lies please!

Everybody, I am someone who owns secondhand and gifted things

Whose idol merchandise collection is limited and is wealthy in mere dreams

Strong willed but far from the ones to reach Full are my feelings and value while I lack affirmation and notice I am the opposite of all the guesting fans from the videos of Madam Kring

I am a fan raw from inside though in others' eyes am glimmering

You may ask and analyze me

What are the merchandises that I have here?

Plenty are their albums while I only have in my cellular phone the melodies

They own such accessories and decorations while simple shirts, two masks and two hats are what I keep

Their Korean Pop museum rooms are no match for my ordinary storage territory

Official photocards are what they got as I found and bought posters and pictures from the streets

Lightsticks, you say? They earn them easily and abundantly when I can only have two through the years

What about the events that they instantly join? Even stepping in just twice needed much emphasis

They get to meet in a trice; must swim the Pacific Ocean for them to be reached

Quickly noticed are they from their fansites and accounts; must flood them with comments to be noticed

Their expenses are extreme, my allowance is ripped

Their presents are countless; should I offer myself as a gift?

In the blink of an eye, I brought myself to think

With my computable possessions, do you think that this is not enough for me?

Without worries I am and grateful, all are cherished

Rather than collecting, more sought are their presences before me

I am questioned ultimately

For my favorites, what is my craziest deed?

The extravagant fan projects and fan meetings are theirs to take heed

I could support, protect and pray for my favorites when I cannot spend my money

Now what is my message to my favorites?

I cannot pledge to visit your every event with my budget on limit

I cannot be in level with fellows whom you often switch glances with

Yet I am here, truly cheering and loving unconditionally

I am ISM from the Philippines, again greeting

Who admires fifty-nine since my seventh year mainly as a Blackjack, SONE, EXO-L and ARMY

I am one of those fans with the finite bills

Bidding farewell as I carry on stanning, thank you for listening

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page