top of page

DULOT (CAUSE)

  • Nov 11, 2019
  • 3 min read

(Ito ay akda ng isang kaibigan. Pakinggan daw ang tugtog sa itaas habang binabasa ito.)

Naalala mo pa ba nung tayo ay magkasama pa? Masaya tayo, nagkukwentuhan sa mga bagay na ating mga nagawa nung tayo ay bata pa, mula sa kalokohan, mga 'di kaaya-ayang pangyayari, kabiguan, at mga masasayang pangyayari. Ang sarap sa pakiramdam, nakakagaan ng dibdib, kakaiba ang dulot nito sakin, magmula sa iyong mga ngiti, tawa at halakhak. Naalala ko pa nga noon, tuwing makakatanggap ako ng text message sa iyo, kakaiba ang dulot nito yung saya at mapapangiti ka kahit na malungkot o kaya ay napagalitan ka sa bahay hahaha. Mayroon pa nga noon yung oras na ako ay pinagalitan dahil tumakas ako sa bahay, hindi nagpaalam kung saan pupunta. 'Yun yung mga araw na namamasyal tayo at kung saan saan napapadpad. Bastat magkasama lamang tayo. Yung pagpunta natin ng sinehan, unang beses ko 'yun tapos kasama pa kita, napakasaya sa pakiramdam. Noong namamasyal tayo ng Linggo, alam mo bang 'yun ang inaasam-asam kong maranasan? Maranasan kahit minsan lang, kahit walang kapera-pera basta kasama ang minamahal. Hindi ko pa kasi nararanasan iyon dahil napaka-busy nila. Ikaw, ikaw ang nagparanas sakin ng mga 'yun, mga bagay na inaasam-asam ko. Kaysarap balikan, mga alaalang kay hirap iwan. Subalit, huli na ata ang lahat. Nagbago na ang lahat. Hindi na ayon ang tadhana sa atin. Wala na akong babalikan pang sa akin. Alam kong may nagawa akong masama, hindi nararapat at hindi dapat. Patawarin mo sana ako, dahil ako ay nagkulang. Nagkulang sa pagmamahal at gawa. Ang hiling ko lang maging masaya ka. Huwag mo ako alalahanin kaya ko ito. Kung may papalit man, masaya ako para sa inyo. Hanggang dito na lamang...mahal ko, aking kaibigan...kapatid.

(This is a friend's work. It is recommended to listen to the featured song above while reading.)

Do you remember when we were still together? We were happy, about our own childhood stories that we remember, being pranksters, the disasters, failure and the good moments.

Feels good, from my heart, causing me a weird spark, from your smiling part, your laughing and giggling.

I still remember the time, from you a text message chimes and it causes me a weird rhyme, the joy, even if I'm down or when I'm scolded from domicile, it pushes me to smile hahaha.

There were also those moments I was reproached for just leaving home without saying where I'd go. Those were the days we went anywhere and wherever. We were together.

Heading to the cinema, the first time with you it was, the happiness there was. Going out on Sundays, the thing I always wanted, if you knew so. Wanting to experience it, even if I lack money, what matters is it's my loved ones I'm with.

Couldn't do as they were too busy. But you, you made me experience the things I craved. It was something to reminisce, the unforgettable memories.

However, it looks like I was too late. Everything has changed. It wasn't our fate. To go back there is no way.

I know I have done wrong, off and what shouldn't go. Wishing you would forgive me for not being enough, for I lacked of love and emotion.

May you be happy. Don't worry, I can manage. I'll be happy for you if someone gets that place. This is where we part...love, friend...sibling.

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page